Monday, August 31, 2015

Upcoming Movie: Romcom-in Mo Ako

Agosto pa lang ng taon na ito ay masugid na inaabangan na ng mga fans ang bagong pelikula ni Alden Richards na "Romcom-in Mo Ako".

Ito ay pinangunguhan ng Box Office King Vic Sotto at Philippine Queen of Comedy Ai-Ai Delas Alas.  Kinumpirma din ni Ai-Ai na kasama sa pelikula ang hottest loveteam ngayon, sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.  Ang shooting ay posibleng magsimula sa September 18, 2015.


Ang pelikulang Romcom-in Mo Ako ay isang romantic comedy na kabilang sa Metro Manila Film Festival at ipapalabas sa December 25, 2015 sa direksyon ni Jose Javier Reyes sa ilalim ng APT Entertainment, MZET Films at OctoArts Film.

Sa ibang detalye, maari ninyo bisitahin ang fanpage ng Romcom-in Mo Ako

Sunday, August 30, 2015

#ALDUBMaiDenHeaven umabot ng 3.5 million tweets

Naging trending topic kahapon sa nationwide at worldwide ang hastag na #ALDUBMaiDenHeaven na umabot sa 3.5 million tweets.

Nagpasalamat si Alden Richards sa #AlDubNation para sa suportang binigay nila para dito.

Nagpasalamat din si Maine Mendoza aka "Yaya Dub" sa pamamagitan ng isang video.

Ang #AlDub ang may hawak ng pinakamataas na trending topic sa kasalukuyan, pangalawa ang trending topic para sa Santo Papa noong bumisita siya sa Pilipinas.



Mall tour ni Alden Richards sa Marquee Mall, dinagsa ng maraming fans


#AlDub fever is everywhere.  

Kahapon, pagkatapos ng Eat Bulaga, nagpunta si Alden Richards sa Angeles Pampanga para sa kanyang mall tour sa Marquee Mall.  Dinagsa ito ng maraming fans kabilang na ang mga AlDub fanatics. Nagmistulang "jam-packed" ang buong mall sa dami ng pumuntang fans nito.

Photos Credits to: AlDub Philippines


Photo Credits to:  IheartKapuso



Wednesday, August 26, 2015

Sino si Alden Richards?

Si Richard Reyes Faulkerson, Jr.,  sa totoong buhay ay kilala bilang si Alden Richards. Siya ang tinaguriang "Pambansang Bae o Pambansang Dimple" na kasalukuyang nakapirma sa GMA Network.

Ipinanganak noong January 2, 1992 sa Sta.Rosa, Laguna, Philippines. Pangalawang anak nina Richard Faulkerson Sr., at Rosario Reyes. Nag-aral sa De La Salle Canlubang sa BiƱan City sa kursong Business Administration

Naging title holder siya ng Ginoong Sta Rosa 2009 at Ginoong Laguna 2010.  Nag audition din siya ng StarStruck ngunit hindi siya pinalad mapasama dito. 

Nakilala rin si Alden Richards sa mga palabas sa GMA Network gaya ng Alakdana, Tween Hearts, Karelasyon, One True Love, at ang pelikulang The Road.

Kasalukuyang si Alden Richard ay kabilang sa Philippines' longest running noontime variety show na Eat Bulaga!. Isa siya sa host ng segment na "That's My Bae" na kakatapos lang noong Sabado.  Sumikat lalo si Alden Richards dahil sa aksidenteng love team nila ni Yaya Dub o mas kilala bilang Maine Mendoza na tinanggap ng masa at tinawag silang #AlDub


Dahil na rin sa kanilang popularidad, sumikat ang "Kalyeserye" na pinangalanan ito ng batikang henyo na si Joey De Leon na ipinapalabas tuwing Juan For All, All for Juan segment.

Nakapirma din si Alden Richards ng four year movie contract sa ilalim ng APT Entertainment.  Noong nakaraang August 13, nakapirma si Alden Richards ng recording contract sa GMA Records.

Isa din siya sa mga host ng Sunday PINASaya.