Dumating na ang TAMANG PANAHON para sa ALDUB loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Noong nakaraang Sabado, Oktubre 24, 2015 ginanap sa Philippine Arena ang "TAMANG PANAHON" kung saan dinumog sila ng tao. Ang Philippine Arena ay may 55,000 capacity kung saan nag sold out ang ticket sa loob ng dalawang araw matapos ito sabihin on National TV.
Nang umere na ang Eat Bulaga, unang pinakita si Lola Nidora na nakasakay sa isang private helicopter.
At nang bumusina na ang sasakyan, dumating na si Lola Nidora sa loob ng arena kasama ang pagkarami raming mga Rogelios at sabay na sumayaw ng Dessert.
Bumusina ulit at dumating si Lola Tidora na umaawit ng I don't wanna miss a thing ni Regine Velasquez at Emotion ni Mariah Carey. Dumating din si Lola Tinidora para magperform ng Let's Get Loud at Mambo No. 5
Lumabas rin sa arena ang ibang Dabarkads sabay awit ng Nothing is Gonna Stop us Now, sumunod ang TVJ na sina Tito, Vic and Joey, inawit nila ang Eat Bulaga theme song
Sabi ni Lola Nidora, mula sa ticket sales, masisimulan na ang pagpapagawa ng ALDUB Library Project sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sinabi din ni Lola Nidora na pwede nang magusap, magkasama, at no split screen na sa pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Pero dapat pahalagahan pa rin nila ang mga tradisyon nating mga Pinoy. Start pa lang yan. Level 1 kumbaga.. Simula pa lang ito... Ano ito tapos agad, Wow??? Bakit tatapusin eh, wala pa nga akong apo sa kanila.- Lola Nidora
Sinabi na rin ni Lola Nidora ang kanyang sopresa para sa Team Bahay at Team Arena: NON STOP ang kilig, NON STOP sorpresa at NO COMMERCIAL INTERRUPTION.
Ikinuwento ng mga Lolas ang kanilang kabataan noon na siyang ginampanan ng Dabarkads na sina Julia Clarete, HBD girl Patricia at Pauleen Luna.
Nagperform din ang mga singers ng mga ginamit na kanta ng ALDUB tuwing Kalyeserye tulad ni Jireh Lim, True Faith, Silent Sanctuary at Joey ng Side A. Hindi rin nag pahuli ang TVJ na umawit ng Ngiti.
Ikinuwento din ni Lola Nidora sa buong ALDUBNATION ang kanyang love story. Lumabas din ang kanyang apong si Duhrizz Maine at ang kanyang mayordomang si Rihanna na ginamapan ni Wally Bayola. #quickchangepamore
Dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat ang pagdating ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub. Nagsayaw ito sa saliw ng mga awiting ginamit din sa kalyeserye lalo na ang Fantastic Baby. Nagsayaw din si Baeby Baste at ang mga That's My Bae ng Eat Bulaga at si Ryzza Mae Dizon na pumasok na nakahovertrax.
Ipinakilala na rin ni Lola Nidora si Maine Mendoza sa buong mundo sa pamamagitan ng video kung saan ipinaliwanag niya ang pinanggalingan ni Maine at ang hilig niyang maging artista.
At sa wakas dumating na rin ang pinagkakahihintay na Tamang Panahon. Dumating si Alden Richards sa arena na may dalang rosas at cinderella shoes na naiwan ni Maine noong nasa Broadway siya. Naghihintay naman sa stage ang ating prinsesa. At nang magkita na ang dalawa, hindi magkamayaw sa tuwa at iyak ang buong ALDUBNATION. Dumating si Lola Nidora at nag wika
Mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan natin. Mga bagay na hindi pinipilit, hinihintay ang tamang pagkakataon. Dumating na hindi inaasahan, binago ang mga buhay natin.
Nang ibinigay na ni Lola Nidora si Maine Mendoza kay Alden Richards, naiyak ang buong ALDUBNATION. Tinawag nila ang kanilang Lola at niyakap.
|
credits to the owner |
Nangyari na ang mga bagay noong araw din na iyon. Ang kanilang First Walk, First Dance, First Holding Hands, First Akbay, First Hilig.. lahat ng first na masasasabi ng lahat . Habang naglalakad sinabayan naman ito ni Alden Richards ng pag awit ng kanilang theme song na God Gave Me You. Pinagsalita na rin si Maine Mendoza noong araw na din na iyon. Isinuot na rin ni Alden Richards ang cinderella shoes ni Maine Mendoza. Sabay nagsayaw at nag dubsmash ang dalawa
Binigyan pansin din ang iba't ibang hashtag na ginagamit sa araw araw mula Lunes hanggang Sabado. Pinatunayan din ng may-ari ng twitter na totoo at organic ang lahat ng tweet noong nag 25.6 million tweets. Nakipag selfie din ang ALDUB sa buong ALDUBNATION.
Dumating din ang bachelor na si Frankie A. Arenolli kung saan ang lahat ng sponsors ng Eat Bulaga ay nakalagay sa kanyang damit. Nagperform ito at isa isa pinakilala ang kanyang mga branding company na siya mismo ang may-ari.
Bilang pang finale, muling nagpasalamat ang buong Eat Bulaga para sa suportang binigay ng buong ALDUBARKADS at ALDUBNATION.
Pero habang kumankanta ang Dabarkads, biglang hinanap ni Lola Tidora si Lola Nidora na kung saan nabawi ni Lola Nidora ang Diary sa Riding in Tandem.
Narito po ang kabuuan ng buong video: