Saturday, September 26, 2015

Unang album ni Alden Richards, Gold Record na

Naiyak nito lamang Biyernes ang ating Pambansang Bae na si Alden Richards sa segment ng ATM ng Eat Bulaga.  Kasama niya noon ang Pambansang BoomBae na si Sam YG.  Hindi inaasahan ni Alden Richards na andoon sa studio ang General Manager ng Universal Records na si Kathleen Digo at Radio & Television Bronze Manager Ellen Santos De Manahan.

Photo credits to :  Alden Richard's Twitter Account
Tumanggap ng parangal ang ating Pambansang Dimple na si Alden Richards ng Gold Record Awards para sa unang album ni Alden Richards sa ilalim ng Universal Records dalawang taon na nakakaraan.  



Dahil sa natamong award, hindi maiwasan maiyak si Alden Richards sa sobrang kagalakan na nadarama.  Maging ang mga studio audience at kasamahan ni Alden Richards sa Eat Bulaga ay naiyak din.

Muling nagpasalamat si Alden Richards sa mga fans at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Para sa kabuuan ng video, i-click lamang po ninyo ang video sa baba



Video Credits to:  WHITEDOVE HD

No comments:

Post a Comment