Monday, October 19, 2015

Tamang Panahon, sa October 24 na

Noong nakaraang Sabado, isang magandang sorpresa ang ibinigay ni Lola Nidora para kina Alden Richards at Yaya Dub.  Nagbigay siya ng isang tig-isang box ng cupcake kung saan may nakalagay na Tamang Panahon.  Sinabi din ni Lola Nidora na bumilang ng pitong araw para sa nakatakdang pagkikita ng dalawa.  Sinabi rin niya, na kapag dumating ang tamang panahon, "shut up" na siya ngunit gagabayan pa rin niya ang dalawa at kung sakaling may mali silang nagawa or gagawin, makakatikim sila ng kurot kay Lola Nidora.

Isa pang sorpresa ang muling ibinigay ni Lola Nidora sa pamamagitan ng blue folder.  Inaanyayahan ni Lola Nidora ang buong ALDUBNATION sa kanilang "maliit" na bungalow, at nang buksan ang blue folder, nagsigawan ang lahat dahil ang "TAMANG PANAHON" ay gaganapin sa Philippine Arena.

Kasabay ng anunsyo na bukod sa Philippine Arena, ay isang proyekto na nais ni Lola Nidora, na kung saan gusto niya na magkaroon ng ALDUB Libraries sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Upang makarating sa Philippine Arena at maisagawa ang nasabing proyekto, sinabi ni Lola Nidora na maari silang bumili ng ticket.  Ang malilikom na pera ay 100% na ibabahagi ito sa nasabing proyekto.

Narito po ang ilang impormasyon kung saan makakabili ng ticket






Photos credits to:  Eat Bulaga









No comments:

Post a Comment