Saturday, November 28, 2015

VIDEO: Kasal ni Alden Richards kay Cindy hindi natuloy

Magandang balita ALDUBNATION

YESS!!! Hindi na po natuloy ang kasal ni Alden Richards kay Cindy Corvicova.

Noong mga nakaraang araw ay itinakda ni Lola Babah na ipakasal si Alden kay Cindy sa pamamagitan ng isang fixed or arrange marriage para mailigtas ang naluluging negosyo ng pamilya ni Cindy sa Russia.

Para hindi mahirapan si Alden, kusang umayaw na si Yaya Dub para hindi na mahirapan ito kung sino ang pipiliin.  Kahit labag sa loob ni Alden ang naging desisyon ni Yaya, tinanggap niya ito para matapos na ang lahat kahit ang maging kapalit nito ang kalungkutang madarama niya dahil wala siyang pagmamahal kay Cindy.

Kung matatandaan, gumawa ng sulat si Yaya Dub kay Lola Babah at sinabi niya kung ano ang nasa puso niya at sa puso ni Alden.  Dahil dito, nabuksan ang puso ni Lola Babah kay Yaya Dub kaya pinayagan na niya ito puntahan si Alden sa Broadway.

Hindi lang sa kasal umikot ang istorya, dahil sa pangyayaring pinayagan na ni Lola Babah si Yaya Dub na puntahan si Alden, pinuntahan ito ni Yaya at nang sila ay magkita ay bigla silang nagyakapan ng mahigpit.  Isang yakap na siyang nagpaiyak sa tuwa at muling nagpasaya sa buong ALDUBNATION.

Photo credits to the owner
Hindi lang yakap ang naganap, pati na rin ang isang malapitan na halik.  Dito mas lalo kinilig ang lahat ng tao sa Broadway at mga nasa Team Bahay.  Mamaya naman tiyak kikiligin ang mga Team Abroad at Team Replay.

Photo credits to the owner
Narito ang video:








Videos credits to WHITE DOVE

No comments:

Post a Comment