Mahilig ba kayo sa kalendaryo? Narito ang isang nakakakilig na handog ng McDonalds Philippines, ang #ALDUBKOTO Calendars 2015. Tatlong kalendaryo ang maari ninyong kolektahin.
Para maka-avail ng nasabing kalendaryo, basahin lamang ang poster sa ibaba.
Ang nasabing kalendaryo ay available na sa Metro Manila simula noong November 18-24, 2015 at sa probinsya naman ay sa darating na November 25 to December 4, 2015.
Bago mag Kalyeserye ng Eat Bulaga kaninang tanghali lumabas na ang ikatlong tv commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa nasabing tv commercial, hindi lang ang ALDUB ang bumida, pati na rin ang mga Calle's Angels o ang mga Lolas na sina Wally Bayola a.k.a. Lola Nidora, Jose Manalo a.k.a. Lola Tinidora at Paolo Ballesteros a.k.a. Lola Tidora
Dahil sa popularidad ng ALDUB loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, sinabi ni Margot Torres, Vice President for Marketing Communications ng Golden Arches Development Corporation na tumaas ang sales ng McDonalds ng 470%. Sinabi rin niya na "accurate but not clearly explained"
Ito po ang kanyang pahayag na pinadala sa GMA News Online sa pamamagitan ng email.
"Our growth is measured based on same store sales and transactions" "If we use the period when we sold Minions (which was a good month) as a base index of 100 and compare the same store transactions growth figure with the period 3 weeks after we launched our chicken fillet a la king and the aldub campaign, the figure is 470 vs base index. "This is a nationwide number."
Golden Arches ang franchise holder ng McDonald's dito sa Pilipinas.
"Needless to say, the launch of our Chicken Fillet a la King product with the AlDub campaign has positively impacted our business, and sales for Chicken Fillet a la King have well exceeded its target,"
Lumabas na kanina ang ikalawang TV Commercial ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza.
Bago lumabas ang TVC, maraming fans na ang nag-aabang. Excited silang lahat para sa dalawa. Nagtweet din ang President /CEO ng McDonalds Philippines na si Kenneth S. Yang
Ang nasabing TV commercial ng McDonalds ay inabot ng 90 seconds kumpara sa unang TVC nila na inabot ng 50 seconds lamang. Lumabas ang commercial bago mag kalyeserye.
Kaalinsunod ng paglabas ng unang TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza, lumabas din sa Instagram ng McDonalds Philippines ang ikalawang version ng TV Commercial kung saan sa bandang huli ay "magkikiss" ang dalawa.
Ito ay kaugnay sa nalalapit na pag-ere ng kanilang TV Commercial bukas. Maraming fans na ang nag-aabang at naghihintay na masilayan nila sa TV commercial ang kanilang #AlDub
Inilabas na ng McDonalds Philippines ang kanilang bagong photo teaser sa kanilang Twitter account kanina. Ito ang kauna unahang TV Commercial na gagawin nila para sa McDonalds.
Sa ngayon hindi pa ipinakikita ang kabuuan ng TV commercial ngunit marami nang AlDub fans ang naghihintay para makita nila ito sa telebisyon. Marami ring AlDub fans ang nagsasabi na madadalas na silang kakain sa McDo
Nagtrending din sa Twitter ang #AlDubforMcDoTVC
Para sa ibang impormasyon, maari ninyong bisitahin ang kanilang Twitter Account