Showing posts with label kiligpamore. Show all posts
Showing posts with label kiligpamore. Show all posts

Saturday, October 31, 2015

Pagkatapos ng Tamang Panahon noong Oktubre 24, 2015, sumabak na nung nakaraang Lunes ang cast ng My Bebe Love sa kanilang kauna unahang pictorial.  Ang My Bebe Love ay pinagbibidahan nina Vic Sotto, Ai Ai Delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza, sa direksyon ng pinakasikat at batikang direktor na si Jose Javier Reyes.

Narito ang ilan sa mga larawan ng kanilang pictorial:

Photo credits to :  Ms Ai Ai Delas Alas (Twitter Account) & Director Jose Javier Reyes' IG Account
                         























Monday, September 28, 2015

Lumabas na kanina ang ikalawang TV Commercial ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza.

Bago lumabas ang TVC, maraming fans na ang nag-aabang.  Excited silang lahat para sa dalawa.  Nagtweet din ang President /CEO ng McDonalds Philippines na si Kenneth S. Yang

Screenshots grabbed :  KSY's Twitter 

Ang nasabing TV commercial ng McDonalds ay inabot ng 90 seconds kumpara sa unang TVC nila na inabot ng 50 seconds lamang.  Lumabas ang commercial bago mag kalyeserye.

Narito ang video ng ikalawang TV commercial





Video credits to:  MCDO PHILIPPINES

Para sa ibang impormasyon, bisitahin lamang ang pages nila

McDonalds Facebook

====================================================================

Lumabas na din noong Sabado ang unang commercial nina Wally Bayola a.k.a Lola Nidora at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub para sa mobile company na O+

Iniendorse nila ang O+ Ultra kung saan ang battery life nito ay umaabot ng 2 days with 24GB bigger memory.


Narito po ang kanilang TV commercial




Video credits to:  O+ Youtube Channel

Para sa ibang impormasyon tungkol sa O+, bisitahin lamang po ang kanilang page

Facebook Page - O+

Saturday, September 26, 2015

Muling umiyak ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa segment niya kanina sa Kalyeserye kung saan parte ng tatlong hiling ni Lola Nidora na live kantahin ni Alden Richards ang kantang God Gave Me You ni Bryan White kung saan ang kantang ito ang theme song ng ALDUB.


Subalit habang kumakanta si Alden Richards, hindi niya maiwasan ang maiyak.  Sa dami ng kanilang pinagdaanan saya, hirap, pagod, tuwa  at kilig, ika nga "WORTH IT" lahat.  Tumagos sa kanyang puso at puso ng mga nasa studio audience at nasa kani kanilang bahay ang kanyang pag-awit.

Humihiyaw sa saya at naiiyak ang buong ALDUBNATION sa nakikita nila para sa Pambansang Bae.

Aniya ng Kapuso hearthrob,

"Mga Dabarkads, kung napupuna ninyo palagi po akong nagpapasalamat, pero itong kantang ito, gusto ko munang ialay kay Meng.  Meng para sa iyo ito."

Kapansin pansin din ang pagluha ni Lola Nidora kung saan nadala siya sa pag-awit ni Alden Richards.  Kahit si Maine Mendoza, nakita rin niya umiyak si Alden.  Ang mensahe ni Maine, mukhang idinaan sa sulat.

Ayon sa Facebook account ni Lola Nidora,

"Kapag ang lalaki iniyakan ka, seryoso na yan."
Narito ang video, i-click lamang



Video credits to:  WHITE DOVE PH

Thursday, September 17, 2015

Kahapon, September 16, 2015, eksaktong dalawang buwan, ipinagdiwang ng buong AlDubNation at Eat Bulaga ang 2nd Monthsary nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub o AlDub.

Photo credits to the REAL OWNER
Sinimulan ito ng pagbati nina Paulo Ballesteros (Lola Tidora) at Jose Manalo (Lola Tinidora) kasama ang mga Quando Quando at Bernardo Bernardo.

Nireminisce din nila ang unang pagkikita ng dalawa sa split screen kung saan dinubsmash ni Yaya Dub ang sinabi niya noon kung saan pinapanood din siya ni Alden Richards.

Dinubsmash din ni Alden Richards ang mga kantang, Thinking Out Loud, Ngiti at Twerk It Like Miley.

Alden : "Nandito ako sa pwesto kung saan una kang nagsmile sa akin :)"
Yaya Dub:  Tandang tanda ko pa July 16, 2015, 1:47 pm
Alden:  May bibigay ako sa iyo,
Yaya Dub:  Ano?

Pumasok si Alden Richards sa may likod ng backstage, may kinuha sa bag at nagpunta sa kanyang lungga (tawag nila Bossing sa favorite place ni Alden).  Nilabas ang sobre, sabay panghaharot ni Joey na imbitasyon yun sa kasal ni Alden at DuhRizz.

Ang nasabing regalo ay isang card na may personalized na message para kay Maine...

"Hi Maine, kamusta kana.. kahit dalawang buwan palang nakakaraan, ang dami na nangyari, masasaya, may mga malulungkot, masasakit, pero lahat ng ito meron tayong natutunan, at walang hindi makakasayanan basta handa tayo at ito ang gusto natin.
Kung may maniniwala sa atin hanggat may naniniwala sa atin, nagmamahal, ngayon pa ba tayo susuko?  Marami nang naiba sa buhay natin, marami na, pero maraming bagay na hinding hindi na magbabago, alam mo na yun at alam natin na anumang pagdadaanan natin... "darating din ang tamang panahon"

Sa bahaging ito naiiyak si Yaya Dub.

Pagkatapos basahin ni Alden ang card, iniabot na rin niya ang kwintas na may locket kung saan ang nakalagay doon ay ang larawan nilang dalawa.

Nagrequest si Lola Tinidora na kantahan ni Alden si Yaya.

Habang kinakantahan ni Alden si Yaya ng Wish I May, maraming mga batang dumating para ibigay ang mga roses kay Yaya, sabay mano sa tatlong lola.  Inabutan din ang tatlong lola ng bouquet of flowers at 1 bouquet para kay Yaya.

Sa puntong ito. ang nakikita ng AlDubNation ay hindi na si Yaya kundi si Maine Mendoza.

Maraming fans ang sobrang kinikilig sa pinakikita ng dalawa.

Muling nagsulat si Alden Richards at sinabing meron pa siyang regalo.

Ang nasabing regalo ay isang bouquet of flowers at perang napanalunan ni Maine Mendoza sa BulagaPaMore, DabarkadsPaMore Wildcard Edition na halagang P 100,000.

Ang nasabing premyo ay idodonate sa sugod bahay winner na pinagpilian nina Alden Richards, Maine Mendoza at Lola Nidora.

Si Nanay Nena, ay taga Sta. Mesa, 73 years old, biyuda at walang anak.  Malaking pasasalamat ni Nanay Nena sa kanyang natanggap.  Ang sabi ni Lola, "Gawing inspirasyon ang pag-ibig, para masaya at magpasaya ng ibang tao."

Naalala din ni Jose na si Lola Nena ang bumati kay Bossing ng Advance Happy Wedding.

Muling kinilig ang mga fans ng nagsalita si Alden,

"Si Lola muna ang kadate ko ngayon, pero malay ninyo sa susunod na monthsary, kasama ko na siya."
May sinulat naman si Maine, "Sana".
Nagpasalamat si Lola Nena kay Yaya Dub sabay sabi ng "Sana magkatuluyan kayo!"
Makikita na sobrang kinilig ang mga fans lalo na si Alden Richards at Maine Mendoza.
Muling pinakita ni Maine ang fansign na "Sana" na siyang kinasigawan ng mga fans.
Alden :  E di ngayon na!
Maine : Sabi mo yan ah!  9/16/15 2:15 pm  Panindigan mo yan
Alden : What's bound to happen will find its way
Alden:  Darating din ang tamang panahon
Maine :  Paalam ka muna sa tatay ko ... kay Dodong
Sinasabi nila Allan K at ng mga lola's na may sparkle ang mga mata ni Maine
Maine :  ikaw talaga Den
Alden:  Ready na ako!
Nagsalita si Lola Nidora at sinabi niya na may regalo siya para sa dalawa

Freeze!!!

Dahil sa mga kakiligan at mga sweetness nilang dalawa, hindi lang studio audience at mga nasa bahay ang sobrang kinikilig pati ang mga nasa ibang bansa at nasa Twitter, panay tweet nila na umabot sa mahigit 3 million tweets ang #ALDUB2ndMonthsary.

Sa mga gustong mapanood ang buong video, iclick lamang po ang video sa ibaba



Video Credits to:  AlDub Full Episodes

Tuesday, September 15, 2015

Unang kinumpirma na makakasama sa pelikula si Alden Richards sa My Bebe Love na pagbibidahan nng Box Office King Vic Sotto at Queen of Comedy Ai Ai Delas Alas.  

Ang My Bebe Love ang siyang naging kapalit sa naunang title ng pelikula na Romcom-in mo ako.


Pero kanina lang ay kinumpirma din ng dalawang batikang direktor na si Direk Jose Javier Reyes at Direk Mike Tuviera, na si Maine Mendoza ay makakasama na sa pelikula.

Screenshots credits to :  Direk Mike



Photo and Screen shots credits to :  Direk Joey 

Laking pasasalamat ng AlDubNation sa surpresang pinost nina Direk Joey at Direk Mike



Kaninang tanghali ay ini-announced ni Dabarkads Vic Sotto ang nanalo sa BulagaPaMore, DabarkadsPaMore Wildcard Edition sa pagitan ni Alden Richards at Maine Mendoza.  Kung sino ang manalo sa dalawa ang siyang lalaban sa Sabado para sa grand finals.

Ang nagwagi ay walang iba kundi si MAINE MENDOZA. 

Narito po ang video:


Video credits to : GMA DAILY SHOWS

Natuwa naman ang kanyang kapartner na si Alden Richards sa kanyang pagkapanalo.


Thursday, September 10, 2015

Inilabas na sa Facebook page at Twitter account ang ikatlong photo teaser ng TV Commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa McDonalds.


Photo credits to :  McDonalds

Bukas na magaganap ang nasabing pag ere ng TV Commercial.   #AlDubKoTo #AlDubforMcDoTVC#ALDUBLostWithoutYou






Abangan bukas! — with Mean Bertos andJamie Arevalo.

Monday, September 7, 2015

Ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause ay umabot ng 5.8 million tweets noong Sabado, Setyembre 5, 2015

Malaki ang pasasalamat ni Alden Richards sa ginawa ng ALDUBNATION at sa patuloy na suporta nila dito at kay Maine Mendoza.



Video Credits to : I Want Pinoy TV

Sunday, September 6, 2015


Opo! Opo! 

Nagkita na ang Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Queen of Dubsmash Maine Mendoza sa Broadway Centrum noong Sabado sa Eat Bulaga.  

Bilang parte ng kalyeserye, naglaban sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Bulaga PaMore Wildcard Edition

Unang nagperform si Alden Richards ngunit habang malapit nang matapos ang kanyang performance nakabantay na sa kanya si Lola Nidora.  Nang matapos na ito, lumapit si Lola Nidora sa kanya at muling binanggit ang mga kundisyon niya kaya pumayag si Lola Nidora na sumali si Yaya Dub sa BulagaPaMore Wildcard Edition. Nakipag pinky swear si Alden at nagmano bilang pagpayag sa kundisyon ni Lola.  Dinala ni Lola si Alden sa ibang pwesto kung saan may nakalatag na mesa na may buko at pagkain.
Part 1 of 3: AlDub Day 45
Panoorin ang Tatak Eat Bulaga Performance ng ating Pambansang Bae na si Alden sa #BulagaPaMore #DabarkadsPaMore Wildcard Edition! #AlDub #Kalyeserye #KiligPaMore
Posted by Eat Bulaga on Saturday, September 5, 2015
Nagsimula nang magperformance si Maine Mendoza.  Ipinakita niya ang kanyang galing sa pagsayaw kasama ang mga Rogelios.  Ipinakita din niya ang galing sa pagdrums kung saan tinutogtog niya ang kantang Everywhere ni Michelle Branch at Nothing's gonna stop us now ng Starship.  Marami ang humanga sa galing ni Maine Mendoza.  
Part 2 of 3: AlDub Day 45
EATo na ang Tatak Eat Bulaga Performance ni Yaya Dub na Fatalbugan para sa #BulagaPaMore #DabarkadsPaMore Wildcard Edition! #AlDub #Kalyeserye #KiligPaMore
Posted by Eat Bulaga on Saturday, September 5, 2015
Nang matapos ang kanyang performance, hinahanap niya si Alden Richards, ngunit hindi niya ito makita kaya pinuntahan niya ito sa likod ng backstage ngunit ala din doon.  Si Alden Richards naman ay nasa labas para hanapin din siya. Apat na beses silang naghahanapan hanggang si Maine Mendoza ay tumingil na sa backstage. Hiwayan at sigawan ng fans ang maririnig sa buong studio. Lumabas na rin si Alden Richards papuntang backstage at unti unti siyang lumabas at sila ay nagkita na kasabay ng pagtugtog ng God Gave Me You.

Nagtitigan sila at unti unting naglapitan sa isa't isa kasabay nag pabebe wave.  Habang papalapit ng palapit, biglang may humarang na isang malaking plywood na siyang naghiwalay sa dalawa.  Ang nasabing plywood na pinangharang ay gawa ni Lola Nidora.  Ngunit kaalinsabay ng pagkikita ng dalawa ang siyang naging mitsa ng galit ni Lola Nidora.

Aniya ni Lola Nidora,
"Magaling! Magaling! Ano, Alden? Yaya Dub? May papinky pinky swear, pamano mano pa kayo, susuwayin ninyo lang pala ako!  Ang pagtupad ng pangako, ang pagsunod ng totoo.  Ang binitawang salita ay hindi dapat ipagsawalang bahala.  Dapat ang katumbas nito ay pagtitiwala ko sa inyo, Alden! Yaya Dub.  Paano pa ako magtitiwala sa inyo, kung sa isang simpleng pangako ay hindi ninyo kanyang matupad.  Ganyan kayo! Ganyan Kayo!  Mapusok!  Ang gusto ninyo masunod ay ang gusto ninyo, kapag pinagbibigyan kayo, umaabuso kayo, pag pinigilan naman, nagrereklamo.  Ano ba gusto ninyo?  Ano ang gusto ninyo?  Papunta pa lang kayo pabalik na ako.  Alam ko ang pwedeng mangyari sa inyo, kung magiging mapusok kayo.  Kung puso lang ang paiiralin ninyo, walang mangyayari.  Pwede naman gamitin ang puso, pero wag kalimutan ang isip, ang utak.  Huwag puro tibok ng puso.  Kaya tayo binigyan ng utak para gamitin, ano yan?  hindi ninyo gagamitin?   Hoy! mapapanis yan.  Nasa huli ang pagsisisi. Alam ninyo inaayos ko lang kayo, balang araw ay maiintindihan ninyo ako.  ALDUB, mahalaga ang pagtitiwala, sinusubukan ko lang kayo.  I'm very disappointed! very disappointed!.  Okay na sana Alden, Yaya, ngayon na nagkita kayo, masaya na kayo?  yan ang gusto ninyo diba?  
Part 3 of 3: AlDub Day 45 - The First Time
"Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi kayo magkapiling nararamdaman. Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa! Iniisip ang kabutihan! At hinihintay ang tamang panahon!" - Lola Nidora #AlDub #Kalyeserye #KiligPaMore
Posted by Eat Bulaga on Saturday, September 5, 2015
Ang tunay na pag-ibig kahit hindi kayo magkapiling, nararamdaman.  Ang tunay na pag ibig kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan, at iniisip ang isa't isa.  Iniisip ang kabutihan, at hinihintay ang TAMANG PANAHON.  Sinira ninyo ang tiwala ko.
Alden, naisip ko na yan, naisip ko na yan.  Nasa akin ang blue print ng building na ito.  I know every entrance and exit of this building.  You cannot fool me.

Yaya, bakit ka sumuway sa akin?  Hindi ba ang turo ko saiyo , dapat lagi kang maging masunurin.   Pero naiintindihan ko ito, pero sana nag intay kayo!
Rogelio! Rogelio! Rogelio! Huwaw! Ang bigat ninyo oy.. ang pangit ng sayaw ninyo... nakuha pa ninyo mag selfie.  Bantayan ninyo si Alden.  Si Yaya ibalik ninyo sa van.  Rogelio!  Ano ba?!  Hindi na kayo nahiya... isa pa ..........

At doon .. biglang may kumuha kay Yaya... mga lalaking nakabonet.
=============================================

Maari din ninyo mapanood ang video sa Youtube
Video embedded.  Credits to GMA Daily Shows

TWITTER

Powered by Blogger.

VOTE FOR ALDEN RICHARDS

VOTE FOR MAINE MENDOZA

OFFICIAL INSTAGRAM

Popular Posts

Labels

‪ #‎ALDUBEverAfter‬ #AKO NAMAN #AldenMaineForAdultPlus #ALDubEBforLOVE #ALDubEBTamangPanahon #‎AlDubForCosmo‬ #ALDUBHappyBAEdayALDEN #ALDUBKOTO #ALDUBMostAwaitedDate #ALDUBOnSPS #ALDUBStaySTRONG #BaeBQRRIFIC #ALDUB4DATUPUTI #DownyRuBAEDUBango #iLABUYO #KCA #VoteMaineFPP #KiligPaMore #KissoyAndTenIsSafe #MaGMAhalanTayoNgayonPasko #MaiDenKiligSaSweet #MrAndMrsSotto #MyBebeLovePremiereNight #pambansangBAEgas #WishMoKayaKo #YoungAngLoveKo #MaineforEskinol 555 Carne Norte 555 Sardines accident Ai Ai Delas Alas Ai-Ai Delas Alas aicelle santos album album launching alden alden r Alden Richards aldenatics aldenrichards ALDOGS aldub ALDUB2ndMonthsary ALDUBBATTLEForACause ALDUBMaidenHeaven ALDUBMostAwaitedDate aldubnation ALDUBTheAbduction Alisto ALPUPPIES animals applications APT Entertainment Arnold Clavio Astroplus awards bank BBC News Bear Brand beauty Bench Bench Clothing Bench Fix Salon birthday block screening boardwalk Yes books BPI Loans brown rice BTS BulagaPaMore Cadbury Dairy Milk calendar Canada castiel productions CDO Cebu Charmaine Christmas church cinema clothing Coca Cola Philippines concert Cosmopolitan Philippines Dabarkads Datu Puti Davao Dingdong Dantes dog lover dogs Doña Maria Premium Quality Rice Downy Dubai eat bulaga EdukCircle endorser entertainment entertainmnet Eskinol Philippines event first date Fix Clay Doh food food product Funtastyk Young Pork Tocino game GAOC Dental Garage Magazine Gard Shampoo gladys guevarra GMA Life TV GMA Network GMA News and Public Affairs GMA News TV International GMA Pinoy TV GMA Public Affairs GMA Records GMA Regional TV google Hapee Toothpaste hashtag household Igan Clavio Illustrado Iloilo Inc. Inquirer Bandera Inside Showbiz insurance international tour interview Japan jerald napoles Jose Javier Reyes Jose Manalo JOWAPAO kalyeserye kapuso Kapusong Pinoy kiligpamore lava cake lemon square Lola Nidora loveteam Lucky Me! Alden Richards maga magazine Magpakailanman Maine Mendoza mall tour Manila Bulletin Marian Rivera Market Market Marquee Mall McDonalds Philippines meet & greet Meg Magazine Mega Man Middle East Mike Tuviera MMFF2015 mobile phone Monde Nissin movie music music video My Bebe Love MZET Films new news Nickelodeon Nini and Philip O+ OctoArts Film Paolo Ballesteros parade party Pauleen Luna People Asia Magazine People of the Year 2016 pep peptalk Philippine Arena Philippine movie PhilPlans photos photoshoot phytoscience philippines pictorial PMPC Star Awards for Television poster premiere night presscon Preview Magazine product pulitika Qatar Reader's Digest reception recording Red Productions Rejoice Philippines rice Rico Hizon Robinsons Place robinsons supermarket Romcom-in Mo Ako ruru madrid SAMPUSO services shampoo show showbiz sim network SM Bacoor SM North Edsa SM Seaside City Cebu SnowCaps Glutathione SPS Stargate Stargate Media Corp Starmall Station ID Sterling Paper Sunday Pinasaya Talk N' Text TAPE technology TechnoMarine telecommunications that's my bae travel true story tv tv commercial TVJ Twitter Universal Record Vic Sotto video Wally Bayola watch website wedding Wish I May word world record Xurpas yaya dub yayadub YES magazine Zonrox Philippines