Noong nakaraang Sabado, September 26, 2015, ang hashtag #ALDubEBforLOVE ay nakapagtala ng 25.6 million tweets sa loob lamang ng 24 oras.
Natalo ng #ALDubEBforLOVE ang dating record nila na #ALDUBMostAwaitedDate na umabot 12 million tweets.
Nagsimula ang pagpapatrending ng nasabing hashtag alas dose pa lang ng madaling araw. Ala una medya pa lamang ng madaling araw ay pumalo na sa 3.08 million tweets.
Alas tres ng madaling araw, nakapagtala na ito ng 5 milyon
Alas otso medya, naitala ang 8.03 million tweets
At bago mag Eat Bulaga, bandang alas diyes ng umaga, nagtala na ito ng 10 million tweets.
Dahil sa nangyari ito, ipinakita lamang ng buong ALDUBNATION ang matindi at sobrang pagmamahal nila kay Alden Richards, Maine Mendoza at sa Eat Bulaga.
Muling umiyak ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa segment niya kanina sa Kalyeserye kung saan parte ng tatlong hiling ni Lola Nidora na live kantahin ni Alden Richards ang kantang God Gave Me You ni Bryan White kung saan ang kantang ito ang theme song ng ALDUB.
Subalit habang kumakanta si Alden Richards, hindi niya maiwasan ang maiyak. Sa dami ng kanilang pinagdaanan saya, hirap, pagod, tuwa at kilig, ika nga "WORTH IT" lahat. Tumagos sa kanyang puso at puso ng mga nasa studio audience at nasa kani kanilang bahay ang kanyang pag-awit.
Humihiyaw sa saya at naiiyak ang buong ALDUBNATION sa nakikita nila para sa Pambansang Bae.
Aniya ng Kapuso hearthrob,
"Mga Dabarkads, kung napupuna ninyo palagi po akong nagpapasalamat, pero itong kantang ito, gusto ko munang ialay kay Meng. Meng para sa iyo ito."
Kapansin pansin din ang pagluha ni Lola Nidora kung saan nadala siya sa pag-awit ni Alden Richards. Kahit si Maine Mendoza, nakita rin niya umiyak si Alden. Ang mensahe ni Maine, mukhang idinaan sa sulat.
Kahapon, September 16, 2015, eksaktong dalawang buwan, ipinagdiwang ng buong AlDubNation at Eat Bulaga ang 2nd Monthsary nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub o AlDub.
Photo credits to the REAL OWNER
Sinimulan ito ng pagbati nina Paulo Ballesteros (Lola Tidora) at Jose Manalo (Lola Tinidora) kasama ang mga Quando Quando at Bernardo Bernardo.
Nireminisce din nila ang unang pagkikita ng dalawa sa split screen kung saan dinubsmash ni Yaya Dub ang sinabi niya noon kung saan pinapanood din siya ni Alden Richards.
Dinubsmash din ni Alden Richards ang mga kantang, Thinking Out Loud, Ngiti at Twerk It Like Miley.
Alden : "Nandito ako sa pwesto kung saan una kang nagsmile sa akin :)"
Yaya Dub: Tandang tanda ko pa July 16, 2015, 1:47 pm
Alden: May bibigay ako sa iyo,
Yaya Dub: Ano?
Pumasok si Alden Richards sa may likod ng backstage, may kinuha sa bag at nagpunta sa kanyang lungga (tawag nila Bossing sa favorite place ni Alden). Nilabas ang sobre, sabay panghaharot ni Joey na imbitasyon yun sa kasal ni Alden at DuhRizz.
Ang nasabing regalo ay isang card na may personalized na message para kay Maine...
"Hi Maine, kamusta kana.. kahit dalawang buwan palang nakakaraan, ang dami na nangyari, masasaya, may mga malulungkot, masasakit, pero lahat ng ito meron tayong natutunan, at walang hindi makakasayanan basta handa tayo at ito ang gusto natin.
Kung may maniniwala sa atin hanggat may naniniwala sa atin, nagmamahal, ngayon pa ba tayo susuko? Marami nang naiba sa buhay natin, marami na, pero maraming bagay na hinding hindi na magbabago, alam mo na yun at alam natin na anumang pagdadaanan natin... "darating din ang tamang panahon"
Sa bahaging ito naiiyak si Yaya Dub.
Pagkatapos basahin ni Alden ang card, iniabot na rin niya ang kwintas na may locket kung saan ang nakalagay doon ay ang larawan nilang dalawa.
Nagrequest si Lola Tinidora na kantahan ni Alden si Yaya.
Habang kinakantahan ni Alden si Yaya ng Wish I May, maraming mga batang dumating para ibigay ang mga roses kay Yaya, sabay mano sa tatlong lola. Inabutan din ang tatlong lola ng bouquet of flowers at 1 bouquet para kay Yaya.
Sa puntong ito. ang nakikita ng AlDubNation ay hindi na si Yaya kundi si Maine Mendoza.
Maraming fans ang sobrang kinikilig sa pinakikita ng dalawa.
Muling nagsulat si Alden Richards at sinabing meron pa siyang regalo.
Ang nasabing regalo ay isang bouquet of flowers at perang napanalunan ni Maine Mendoza sa BulagaPaMore, DabarkadsPaMore Wildcard Edition na halagang P 100,000.
Ang nasabing premyo ay idodonate sa sugod bahay winner na pinagpilian nina Alden Richards, Maine Mendoza at Lola Nidora.
Si Nanay Nena, ay taga Sta. Mesa, 73 years old, biyuda at walang anak. Malaking pasasalamat ni Nanay Nena sa kanyang natanggap. Ang sabi ni Lola, "Gawing inspirasyon ang pag-ibig, para masaya at magpasaya ng ibang tao."
Naalala din ni Jose na si Lola Nena ang bumati kay Bossing ng Advance Happy Wedding.
Muling kinilig ang mga fans ng nagsalita si Alden,
"Si Lola muna ang kadate ko ngayon, pero malay ninyo sa susunod na monthsary, kasama ko na siya."
May sinulat naman si Maine, "Sana".
Nagpasalamat si Lola Nena kay Yaya Dub sabay sabi ng "Sana magkatuluyan kayo!"
Makikita na sobrang kinilig ang mga fans lalo na si Alden Richards at Maine Mendoza.
Muling pinakita ni Maine ang fansign na "Sana" na siyang kinasigawan ng mga fans.
Alden : E di ngayon na!
Maine : Sabi mo yan ah! 9/16/15 2:15 pm Panindigan mo yan
Alden : What's bound to happen will find its way
Alden: Darating din ang tamang panahon
Maine : Paalam ka muna sa tatay ko ... kay Dodong
Sinasabi nila Allan K at ng mga lola's na may sparkle ang mga mata ni Maine
Maine : ikaw talaga Den
Alden: Ready na ako!
Nagsalita si Lola Nidora at sinabi niya na may regalo siya para sa dalawa
Freeze!!!
Dahil sa mga kakiligan at mga sweetness nilang dalawa, hindi lang studio audience at mga nasa bahay ang sobrang kinikilig pati ang mga nasa ibang bansa at nasa Twitter, panay tweet nila na umabot sa mahigit 3 million tweets ang #ALDUB2ndMonthsary.
Sa mga gustong mapanood ang buong video, iclick lamang po ang video sa ibaba
Muling gumawa ng kasaysayan ang AlDubNation sa pamamagitan ng pagtutweet ng #ALDUBTheAbduction na tumala ng 6.37 million sa loob ng 24 oras nung Sabado, September 5, 2015 kung saan nabreak din nila ang record ng #LoveWins na 6.20 million tweets sa loob ng 24 oras.