Nagpost sa twitter at instagram ang GMA Records para sa mga gustong mag pre-order ng album ni Alden Richards na nakatakdang ilabas ngayong darating na Oktubre.
Ang album ay mabibili sa halagang 250.00 simula September 17-30, 2015. Magkakaroon pa kayo ng libreng fold out poster ni Alden Richards.
Para sa ibang detalye, basahin lamang ang poster sa ibaba.
Para sa ibang impormasyon, bistahin lamang ang kanilang page
Lumabas na kanina ang ikalawang TV Commercial ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza.
Bago lumabas ang TVC, maraming fans na ang nag-aabang. Excited silang lahat para sa dalawa. Nagtweet din ang President /CEO ng McDonalds Philippines na si Kenneth S. Yang
Ang nasabing TV commercial ng McDonalds ay inabot ng 90 seconds kumpara sa unang TVC nila na inabot ng 50 seconds lamang. Lumabas ang commercial bago mag kalyeserye.