Noong nakaraang Biyernes sa Twitter world, may naganap na sagutan sa pagitan ng ating Pambansang Bae na si Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza.
Ito ay may kaugnayan sa selos na nararamdaman ni Alden Richards sa madalas na pagtawag ni Jake Ejercito, kaklase ni Yaya Dub sa school.
Unang nag tweet ang pambansang bae na sinundan naman ni Maine Mendoza, pero teka... may nagalit... si Divina Ursula Bokbokova Smash.
Narito ang palitan nila ng tweet na siyang ikinakilig ng buong ALDUBNATION
Maraming fans ang natuwa sa nagaganap na sagutan sa Twitter. Ito rin ang kauna unahang tinag ni Maine Mendoza si Alden Richards sa Twitter.
YESS!!! Hindi na po natuloy ang kasal ni Alden Richards kay Cindy Corvicova.
Noong mga nakaraang araw ay itinakda ni Lola Babah na ipakasal si Alden kay Cindy sa pamamagitan ng isang fixed or arrange marriage para mailigtas ang naluluging negosyo ng pamilya ni Cindy sa Russia.
Para hindi mahirapan si Alden, kusang umayaw na si Yaya Dub para hindi na mahirapan ito kung sino ang pipiliin. Kahit labag sa loob ni Alden ang naging desisyon ni Yaya, tinanggap niya ito para matapos na ang lahat kahit ang maging kapalit nito ang kalungkutang madarama niya dahil wala siyang pagmamahal kay Cindy.
Kung matatandaan, gumawa ng sulat si Yaya Dub kay Lola Babah at sinabi niya kung ano ang nasa puso niya at sa puso ni Alden. Dahil dito, nabuksan ang puso ni Lola Babah kay Yaya Dub kaya pinayagan na niya ito puntahan si Alden sa Broadway.
Hindi lang sa kasal umikot ang istorya, dahil sa pangyayaring pinayagan na ni Lola Babah si Yaya Dub na puntahan si Alden, pinuntahan ito ni Yaya at nang sila ay magkita ay bigla silang nagyakapan ng mahigpit. Isang yakap na siyang nagpaiyak sa tuwa at muling nagpasaya sa buong ALDUBNATION.
Photo credits to the owner
Hindi lang yakap ang naganap, pati na rin ang isang malapitan na halik. Dito mas lalo kinilig ang lahat ng tao sa Broadway at mga nasa Team Bahay. Mamaya naman tiyak kikiligin ang mga Team Abroad at Team Replay.
Ang ALDUB loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang bagong endorser ng Coca Cola. Nag-anunsiyo nitong nakaraang araw ang Coca Cola Company sa kanilang facebook at twitter account na gusto nilang tumulong sa iba sa tulong ng dalawa.
Noong nakaraang Sabado, isang magandang sorpresa ang ibinigay ni Lola Nidora para kina Alden Richards at Yaya Dub. Nagbigay siya ng isang tig-isang box ng cupcake kung saan may nakalagay na Tamang Panahon. Sinabi din ni Lola Nidora na bumilang ng pitong araw para sa nakatakdang pagkikita ng dalawa. Sinabi rin niya, na kapag dumating ang tamang panahon, "shut up" na siya ngunit gagabayan pa rin niya ang dalawa at kung sakaling may mali silang nagawa or gagawin, makakatikim sila ng kurot kay Lola Nidora.
Isa pang sorpresa ang muling ibinigay ni Lola Nidora sa pamamagitan ng blue folder. Inaanyayahan ni Lola Nidora ang buong ALDUBNATION sa kanilang "maliit" na bungalow, at nang buksan ang blue folder, nagsigawan ang lahat dahil ang "TAMANG PANAHON" ay gaganapin sa Philippine Arena.
Kasabay ng anunsyo na bukod sa Philippine Arena, ay isang proyekto na nais ni Lola Nidora, na kung saan gusto niya na magkaroon ng ALDUB Libraries sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
Upang makarating sa Philippine Arena at maisagawa ang nasabing proyekto, sinabi ni Lola Nidora na maari silang bumili ng ticket. Ang malilikom na pera ay 100% na ibabahagi ito sa nasabing proyekto.
Narito po ang ilang impormasyon kung saan makakabili ng ticket
Dahil sa popularidad ng ALDUB loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, sinabi ni Margot Torres, Vice President for Marketing Communications ng Golden Arches Development Corporation na tumaas ang sales ng McDonalds ng 470%. Sinabi rin niya na "accurate but not clearly explained"
Ito po ang kanyang pahayag na pinadala sa GMA News Online sa pamamagitan ng email.
"Our growth is measured based on same store sales and transactions" "If we use the period when we sold Minions (which was a good month) as a base index of 100 and compare the same store transactions growth figure with the period 3 weeks after we launched our chicken fillet a la king and the aldub campaign, the figure is 470 vs base index. "This is a nationwide number."
Golden Arches ang franchise holder ng McDonald's dito sa Pilipinas.
"Needless to say, the launch of our Chicken Fillet a la King product with the AlDub campaign has positively impacted our business, and sales for Chicken Fillet a la King have well exceeded its target,"
Noong nakaraang Sabado, September 26, 2015, ang hashtag #ALDubEBforLOVE ay nakapagtala ng 25.6 million tweets sa loob lamang ng 24 oras.
Natalo ng #ALDubEBforLOVE ang dating record nila na #ALDUBMostAwaitedDate na umabot 12 million tweets.
Nagsimula ang pagpapatrending ng nasabing hashtag alas dose pa lang ng madaling araw. Ala una medya pa lamang ng madaling araw ay pumalo na sa 3.08 million tweets.
Alas tres ng madaling araw, nakapagtala na ito ng 5 milyon
Alas otso medya, naitala ang 8.03 million tweets
At bago mag Eat Bulaga, bandang alas diyes ng umaga, nagtala na ito ng 10 million tweets.
Dahil sa nangyari ito, ipinakita lamang ng buong ALDUBNATION ang matindi at sobrang pagmamahal nila kay Alden Richards, Maine Mendoza at sa Eat Bulaga.
Pinagbawalan ng management ng Eat Bulaga sina Alden Richards at Maine Mendoza na mag endorso ng sinumang politiko na kakandidato sa darating na Elections 2016, ito ay ayon kay Tito Sotto sa kanyang panayam sa Philippine Daily Inquirer noong September 7, 2015.
Sinabi rin ng dating senador na kahit siya ay hindi niya gagamitin ang ALDUB para sa kanyang sariling interest. Muling kakandidato si Tito Sotto sa 2016.
“I am setting the example so that politicians will know we mean it. And we do not want our Dabarkads (gang) to be politicized,” said Sotto. Before going into politics, he was part of the popular comedy trio of Tito, Vic and Joey, the main hosts of the longtime GMA 7 noontime show “Eat Bulaga,” now known as “EB.” The trio, also known as the “masters of toilet humor,” has expanded the EB gang into the Dabarkads, which now includes Richards and Mendoza.
Lumabas na kanina ang ikalawang TV Commercial ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza.
Bago lumabas ang TVC, maraming fans na ang nag-aabang. Excited silang lahat para sa dalawa. Nagtweet din ang President /CEO ng McDonalds Philippines na si Kenneth S. Yang
Ang nasabing TV commercial ng McDonalds ay inabot ng 90 seconds kumpara sa unang TVC nila na inabot ng 50 seconds lamang. Lumabas ang commercial bago mag kalyeserye.
Bago umalis si Alden Richards sa mansyon ni Lola Nidora, may inabot na letter si Maine Mendoza. Sa sulat na iyon, isang card ang ibinigay ni Maine na may personal na sulat para sa binata.
Ibinuko naman ni Lola Tidora ang nakasulat sa papel. Imbes na Alden Richards, totoong pangalan ni Alden ang inisulat niya dito, "RICHARD FAULKERSON, JR."
Sa pamamagitan ng Twitter, nagpasalamat ang Pambansang Bae kay Meng.
Muling umiyak ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa segment niya kanina sa Kalyeserye kung saan parte ng tatlong hiling ni Lola Nidora na live kantahin ni Alden Richards ang kantang God Gave Me You ni Bryan White kung saan ang kantang ito ang theme song ng ALDUB.
Subalit habang kumakanta si Alden Richards, hindi niya maiwasan ang maiyak. Sa dami ng kanilang pinagdaanan saya, hirap, pagod, tuwa at kilig, ika nga "WORTH IT" lahat. Tumagos sa kanyang puso at puso ng mga nasa studio audience at nasa kani kanilang bahay ang kanyang pag-awit.
Humihiyaw sa saya at naiiyak ang buong ALDUBNATION sa nakikita nila para sa Pambansang Bae.
Aniya ng Kapuso hearthrob,
"Mga Dabarkads, kung napupuna ninyo palagi po akong nagpapasalamat, pero itong kantang ito, gusto ko munang ialay kay Meng. Meng para sa iyo ito."
Kapansin pansin din ang pagluha ni Lola Nidora kung saan nadala siya sa pag-awit ni Alden Richards. Kahit si Maine Mendoza, nakita rin niya umiyak si Alden. Ang mensahe ni Maine, mukhang idinaan sa sulat.
Kahapon ginanap ang pinakahihintay ng lahat ng fans ng ALDUB, ang FIRST DATE ng Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Hindi magkamayaw ang mga fans sa sobrang kilig at saya. Bawat isa ay may kanya kanyang interpretasyon at opinion tungkol sa magaganap na FIRST DATE. Hindi pa naman nagsisimula ang Eat Bulaga ay umaarangkada na sa Twitter community ang #ALDUBMostAwaitedDate. Alas diyes pa lang ng umaga ay umabot na ito ng four million tweets.
Unang pinakita ang preparasyon na ginagawa ni Yaya Dub para sa kanyang FIRST DATE. Namimili siya kung anong kulay ng damit ang kanyang susuotin. Sa oras din na yun, ay nanonood sa kanya si Alden Richards, tinanong niya ito kung anong magandang kulay, pinili ang kulay puti na siyang bagay kay Maine Mendoza.
Nang magsimula na ang Juan For All, All For Juan, lahat ng tao sa studio ay nagsisigawan at nakikisaya sa kasiyahang magaganap.
Excited si Lola Tidora at Tinidora, ngunit si Lola Nidora ay nag-alalala, kinakabahan at kung ano ano ang iniisip.
Aniya ni Lola Tinidora,
Yaya, yaya, yaya, parang ayaw ko na ituloy ito, parang gusto ko na magback out, kinakabahan ako, kagabi hindi ka na halos nakatulog, hindi ka kumain baka antukin ka doon.. Kinakabahan ako, baka mamaya magtanan kayo ni Alden, pero Yaya ito tatandaan mo, eto tatandaan mo, hahanapin ko kayo kahit saan kayo lupalop ng mundo. Nagbago na talaga isip.. baka sirain na naman ninyo ang usapan na ito.
Nang ipinakita na si Yaya Dub, maraming tao ang pumuri sa kanyang kagandahan. Hindi rin nagpatalo ang Pambansang Bae na si Alden Richards, gwapo. Bagay na bagay sila
Nang lumabas na si Yaya sa pinto, kinilig ang mga fans dahil sabik na sabik na sila makita ang First Date ng dalawa.
Muling pinaalala ni Lola Tinidora lahat ng tinuro nila para kay Yaya gayundin si Lola Nidora,
Aniya ni Lola,
Alden, ang mga bilin ko, wag ninyo muling sirain ang tiwala ko. Una, NO TOUCH, at wag magmadali, ako ang maghahatid kay Yaya diyan kasama ang mga Rogelios. Kailangan makabalik dito si Yaya bago matapos ang Eat Bulaga, agad agad. May CURFEW. Ikaw din Alden, papasundo kita. Alam ko ang mga entrance at exit ng building, I have the blue prints. Baka abangan mo si Yaya sa parking lot. Diyan ko pinili ang date ninyo dahil alam kong importante sa inyo ang lugar na iyan.
Nang ihahatid na ni Lola Nidora si Yaya Dub sa sasakyan, muli siyang nag-iwan ng matalinghagang pananalita.
May mga pagsubok sa daan, pero yan ang magpapatamis ng tagumpay at biyayang makakamtan. Tandaan mo yan.
Nang makatungtong na si Yaya Dub sa Broadway, tuwang tuwa at kinikilig. Si Alden Richards naman ay nakaabang sa may lobby side ng Broadway. Makikita sa mukha ng Kapuso Hearthrob ang tuwa at kilig.
Unang nasilayan ni Yaya ang picture ni Alden na may quotes:
"One of the best feeling in the world is knowing that your PRESENCE AND ABSENCE both mean something to someone"
Nagpunta rin si Yaya Dub sa lungga ni Alden Richards sa gilid noon ay ang plywood na bumagsak sa kanila noon. Nagsulat din si Maine Mendoza sa plywood
Muling lumabas si Lola Nidora at nag-iwan muli ng isang mensahe
"Mas masarap ang mga bagay na unti unti mong nakukuha, mapait ang mga bunga na hinog sa pilit. Mas matamis ang bunga, na unti unti nahihinog dahil naghintay ka ng tamang panahon."
Nagbigay si Lola Nidora ng pagsubok, isang pagsubok kung saan makikita kung bagay sila sa isa't isa
ika nga isang game na getting to know each other.
May pinalagay si Lola Nidora na first base at second base kung saan may itatanong sila. Sa bawat tamang sagot na magkapareho ay hahakbang sila ng isa hanggang sa makarating sila sa kanilang First Date
May sampung tanong, kapag naka pito ay pasok na sila sa Jackpot.. ay First Date
Unang tanong:
Lola Tinidora : Babe, Love or Honey?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Ikalawang tanong: Eyes or Lips?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Ikatlong tanong: Mainit o Malamig?

Ika-apat na tanong: Ring or Necklace?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Ika-limang tanong: Sweet or Spicy?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: HINDI NAGTUGMA
Ika-anim na tanong: Isip o Puso?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Ika-pitong tanong: Madilim o Maliwanag?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: HINDI NAGTUGMA
Ika-walong tanong: Pilipinas o Ibang Bansa?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Ika-siyam na tanong: Now or Forever?
Sagot ni Alden Richards at Maine Mendoza: NAGTUGMA
Narating na nila ang dapat marating na huling base. Nakapagdate sila ngunit may mga bagay na dapat unahin. Sa puntong ito habang papalapit sila sa isa't isa ay biglang tumunog ang alarm na dala ni Yaya para sa oras ng gamot ni Lola Nidora. Dahil sa pagmamahal ni Yaya para kay Lola Nidora, iniwan niya si Alden. Gustong habulin ni Alden si Yaya Dub ngunit nanaig pa rin kay Alden ang mga bilin ni Lola.
Nang makasakay si Yaya Dub sa kotse at nakaalis na ito, doon naganap ang isang AKSIDENTE
Para sa kabuan ng video, i click lamang ang video sa ilalim