Muli na naman nadagdagan ang blessings na natanggap ng ALDUB loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang Pambansang Bae na si Alden Richards ay magkakaroon ng panibagong TV commercial para sa produktong Zonrox. Wala pang opisyal na anunsiyo kung anong eksaktong araw ilalabas ito.
Samantala, lumabas na rin sa telebisyon ang bagong TV commercial ni Maine Mendoza para sa produktong 555 Sardines. Sinasabi sa commercial na dalawa pala ang puso ni Meng, isa para sa 555 Sardines in Tomato Sauce at yung isa para sa 555 Fried Sardines